Wednesday, August 30, 2023

Dea'dliest Energy Drink

Binatilyo sa Magpet, North Cotabato pat'ay dahil sa umano'y panay na pag-inom ng energy drink

MAGPET, North Cotabato – Pinaniniwalaang na-overdose umano ng energy drink rason kaya nama'tay ang 16-anyos na out of school youth na hinihinalang bumagsak ang kidney sa Purok 2, barangay Kamada, Magpet, North Cotabato kamakalawa.


Kinilala ang biktima na si Arman Pangilayan Jr. na dating estudyante ng Magpet National High School sa grade 10 na huminto sa pag-aaral upang makapaghanap ng trabaho.

Ang itinuturong dahilan ng kamatayan ng binatilyo, ang halos araw-araw na pag-inom ng energy drink.

Ayon sa mga kaanak ni Arman na nakapanayam ng Radyo BIDA, umiinom ito ng energy drink bago matulog kahit pagod sa pagtatrabaho at paglalaro ng basketball at minsan puyat sa paglalaro ng Mobile Legend.

Agad na isinugod sa ospital ang binata ng makaramdam ng pananakit at panghihina sa katawan nakaraang araw.

Mula Amas Provincial Hospital ay ni-refer ito sa Cotabato City Cotabato Regional and Medical Center kung saan napag-alaman ng mga espisyalistang tumingin kay Arman na naapektuhan na ang kidney nito kaya kinailangan siyang i dialyses pero tuluyan ding bumagsak ang kaniyang katawan rason ng kaniyang kamatayan.

Napagalaman din na may sakit ito sa puso.

Pinaniniwalaan namang inatake sa puso ang biktima bunga ng overdose sa pag-inom ng energy drink.

Ayon sa ilang eksperto, ang isang bote ng energy drink ay naglalaman ng triple o 4 times na caffeine kung ikukumpara sa purong giniling na kape, rason para pwede itong magdulot kumplikasyon sa katawan kung aaraw-arawin ang paginom nito, maliban pa dito ang sandamakmak na sugar content na nakakasira din sa katawan kapag sobra.

Source: DXND Radyo Bida News

NOTE: 
Mas magandang inumin ay herbal coffee, kaysa toxic beverages na nabibili sa mga traditional store.

No comments:

Post a Comment