Wednesday, April 3, 2024

Pananakit Ng Mga Binti


Dahilan ng Pananakit at Pangangalay ng Mga Binti?

Ang tusok, manhid, at ngalay ay kadalasang dulot ng mga nerve problems sa mga bahagi ng katawan tulad ng balikat, braso, kamay, binti, at paa. 

Nakakadulot ang mga ito ng sakit at nakakadagdag sa pagod. 

Kaya bago maapektuhan ng mga ito, unahan mo na sa pamamagitan ng pag-adopt ng healthy lifestyle changes.

Ang mga pangunahing dahilan ng pananakit at pangangalay ng binti ay maaaring kasama ang:

1. Pinsala sa Kalamnan o Ugat: Tulad ng pagkakaroon ng pinched nerve o sciatica.

2. Problema sa Sirkulasyon: Tulad ng mga kondisyon na nagdudulot ng masamang sirkulasyon tulad ng peripheral artery disease.

3. Nerbiyos na Pinipisil: Tulad ng piriformis syndrome.

4. Pinsala o Stress sa mga Kalamnan: Tulad ng pagka-bago sa pag-eehersisyo o pagtanggap ng bigat.

5. Mga Sakit sa Paa: Tulad ng plantar fasciitis o tendinitis.

6. Mga Medikal na Kondisyon: Tulad ng diabetes, arthritis, o neuropathy.

Mahalaga na kumonsulta sa isang propesyonal sa kalusugan upang ma-diagnose at mabigyan ng tamang paggamot ang pinagmumulan ng pananakit at pangangalay ng binti.


MGA IBA PANG DAHILAN NG PANANAKIT AT PANGANGALAY NG BINTI

Natural lamang na sumasakit o nangangalay ang ating mga binti lalo na kung tayo ay pagod, ngunit kung ito'y madalas na nararamdaman lalo na sa panahon na nagpapahinga o matutulog na, mas maigi na mag pacheck-up dahil maaaring ito ay sintomas ng mga sumusunod:

▪︎ Kidney failure
▪︎ Diabetes
▪︎ Hypothyroidism
▪︎ Hyperthyroidism
▪︎ Spinal cord conditions
▪︎ PCOS (Polycystic Ovary Syndrome)
▪︎ Peripheral Neuropathy (resulta ng pinsala sa mga nerye na matatagpuan sa labas ng utak at spinal cord)

Maaari ring dahilan ang:

▪︎ Pagbubuntis
▪︎ Breastfeeding
▪︎ Irregular na regla
▪︎ Menopause
▪︎ Iron & Vitamin B deficiency
▪︎ Heredity

Magpasuri at uminom ng mga gamot na naaayon sa kondisyon ng kalusugan at gawin ang mga sumusunod:

▪︎ Iwasan ang sobrang pag-inum ng alak
▪︎ lwasan ang pagkain ng sobrang maaalat at matatamis na pagkain at inumin
▪︎ Ibilad sa araw ang binti 15-30 minuto habang nag-eehersisyo araw-araw o limang beses sa isang lingo.
▪︎ Hot Floot Bath - ibabad sa mainit-init na tubig na may asin o sambong ang mga binti, 20 minuto bago matulog.
▪︎ Haplasan o hilutin bago matulog ang mga binti
▪︎ Kumain ng mga pagkaing matataas sa vitamin B
Itlog at manok (mas maigi kung native)
▪︎ Shellfish
▪︎ Green leafy vegetables (malunggay, spinach, dahon ng sili, saluyot, etc.)
▪︎ Uminom ng Food Supplement [DXN] na naaayon sa iyong kondisyon.

Mga Ilang Posibleng Sanhi ng Pananakit ng Buto.

Ang osteoporosis ay isa sa mga medikal na kalagayang resulta ng kakulangan sa calcium at Vitamin D. Isa itong medical condition kung saan numinipis ang mga buto at nawawalan ng lakas. Nauuwi ito sa broken bones na nagdudulot ng sakit at disability. (Basahin dito ang osteoporosis risk factors.)

Pinakakaraniwang sanhi rin ng pananakit ng buto sa binti ang pakabali nito (fractures o broken bones). 

Narito ang listahan ng iba pang mga sanhi:

Injury
Mineral deficiency (lalo na sa calcium at vitamin D)
Hormone disorders
Tumors
Osteoarthritis
Hyperthyroidism
Menopause
Cancer, tulad ng blood cancer o leukemia
Cancer of the bone marrow ang leukemia. Ang bone marrow ang nagpo-produce ng bone cells. Isa sa pangunahing sintomas ng leukemia ang pananakit ng buto sa binti. 
Samantala, dulot ng cancer cells mula sa ibang bahagi ng katawan na kumakalat hanggang sa mga buto ang metastatic bone cancer.

Hindi pangkaraniwang nangyayari ang cancer of the bone marrow kumpara sa metastatic bone cancer.

Iba pang uri ng kanser ang sumusunod:

Osteosarcoma
Non-Hodgkin lymphoma
Multiple myeloma
Chondrosarcoma
Giant cell tumor of the bone
Tandaang mayroon ding mga sakit na pumipigil sa pagdaloy ng dugo papunta sa mga buto. Kapag kulang ang dugong dumadaloy, namamatay ang bone tissue. Nakapagdudulot ito ng pananakit ng buto sa binti at nakapagpapahina rin sa mga buto saanmang bahagi ng katawan.

Iba pang sanhi ng pananakit ng buto ang sumusunod:

Impeksyon (osteomyelitis)
Fibromyalgia
Sickle cell anemia
Cancer treatment — Matindi ang epekto ng treatment para sa kanser dahil sa strong medications na madalas ay may side effects o mga komplikasyon.
Post-chemotherapy treatment
Tailbone pain (coccydynia)
Kailan dapat komunsulta sa doktor

Kung ang pananakit ay tatagal nang mahigit sa 48 oras, mainam kung agad nang magpapatingin sa doktor. Kahit mild bone pain, i-monitor pa rin ito dahil posible pa ring isa na itong emergency condition.

Diagnosis at treatment

Narito ang ilan sa mga paraan upang matukoy ang bone pain at posibleng sanhi nito:

Physical exam at medical history
Blood tests
Bone X-rays
Magnetic resonance imaging (MRI))
Computed Tomography (CT) scan
Urine studies

Ilan din sa imaging tests na ginagamit ang:

Ultrasonography
Arthrography
Bone scanning

Mahalagang ma-rule out ang iba pang medical conditions bago masabing may pananakit ng buto. Malaking tulong ang orthopedica surgeons o mga orthopedist, mga doktor na ang specialization ay musculoskeletal system.

Sa oras na mabigyan ka ng diagnosis, bumubuo na ng treatment plan ang iyong doktor. Pahinga ang pangunahing rekomendasyon ng mga doktor. 

Kasama rin sa mga gamot ang sumusunod:

Pain relievers (ibuprofen o Advil, acetaminophen o Tylenol)
Antibiotics
Corticosteroids (upang mabawasan ang inflammation o pamamaga)
Analgesic tulad ng opioids
Blood transfusion (para sa mga kulang ang supply ng dugo)
Maaari ding uminom ng paracetamol o morphine para sa mga may katamtaman o malubhang pagsakit ng buto.

Bukod sa antibiotics, maaari ding magrekomenda ng nutritional supplements ang iyong doktor. Maaaring nasa pill, liquid, o chewable form ang mga ito.

Kung cancer ang diagnosis, narito ang ilan din sa karaniwang cancer treatments:

Surgery—Kailangan ng surgery kapag tatanggalin ang mga bahagi ng butong tuluyang nasira dahil sa impeksyon.

Radiation Therapy

Chemotherapy
—posibleng makapagdulot ng mas matinding sakit sa mga buto
Bisphosphonates—nakatutulong na maiwasan ang bone damage at bone pain sa mga may metastatic bone cancer

Opiate pain reliever

Kung ang pananakit ng buto sa binti ay dulot ng injury kagaya ng fracture, kakailanganin ng cast o splint. Makatutulong din dito ang Rest, ice, at elevation (RICE) method.

Kombinasyon ng bone-building at pain medications ang rekomendasyon ng mga doktor ngunit kailangan ding tandaan na mahalaga ang ibayong pag-iingat at ang pagbabago sa lifestyle upang makaiwas sa ganitong mga karamdaman.

Anomang irekomenda ng iyong doktor ay nakabatay sa uri ng sakit na mayroon ka at kung ano ang sanhi ng pananakit ng buto sa binti.

Paano maiiwasan ang bone pain Payo ng mga ekspeto ang gawin ang mga sumusunod:

1. Mag-ehersisyo araw-araw, o di kaya tatlong beses kada linggo, ng weight-bearing exercises
2. Dagdagan ng calcium ang iyong diet
3. Iwasan ang pag-inom ng alak at paninigarilyo
4. Iwasang maging masyadong mabigat ang timbang
5. Magpaaraw upang magkaroon ng sapat na Vitamin D
6. Iwasan ang injuries

Upang makaiwas sa mga aksidente, siguraduhing clutter-free ang paligid lalo na ang sahig o dinaraanan upang makaiwas sa injury. Magsuot din ng maayos at angkop na protective gear kapag naglalaro ng contact sports. Maging maingat palagi, nasa loob o labas man ng sariling bahay. Ang mga paalalang ito at ang payo ng inyong doktor ay maaaring makapaglayo sa inyo sa pananakit ng buto at iba pang karamdaman.


No comments:

Post a Comment