Wednesday, April 3, 2024

18 Senyales Ng Problema sa Atay


Ang atay ang pangalawa sa pinakamalaking organ sa katawan at ito ay responsable sa ilang mahahalaga at komplikadong paggana sa katawan kabilang na ang pag-aalis ng mga lason sa katawan (gaya ng alak), pagkokontrol sa lebel ng kolesterol sa katawan, paglalabas ng mga likido na makatutulong sa pagtunaw ng pagkain, at paglaban sa mga impeksyon at sakit. Kung wala ang atay, tiyak na manghihina ang katawan.

Sa kasamaang palad, ang atay ay isa rin sa mga pinaka naaabusong organ sa katawan. Ang sobrang pag-inom ng alak ay isang paraan ng pag-aabuso sa atay na sa kalaunan, ay maaaring humantong sa pagkakaroon ng mga problema sa atay mula sa mga simpleng karamdaman dito hanggang sa pagkasira mismo ng atay o liver cirrhosis.

May mga senyales at sintomas na maaaring nagpapahiwatig ng posibleng problema sa atay.

📌 Narito ang ilan sa mga pangunahing senyales na dapat bantayan:

1. Pagbabago sa Kulay ng Balat: Ang pagiging dilaw ng balat, lalo na sa mga palad ng kamay at talampakan ng paa, ay maaaring senyales ng jaundice o icterus. Ito ay dulot ng pagtaas ng bilirubin sa dugo dahil sa hindi normal na function ng atay.

2. Pamamaga ng Tiyan: Ang pamamaga ng tiyan o abdominal distention ay maaaring nagreresulta mula sa pagtaas ng presyon sa portal vein dahil sa pamamaga ng atay (portal hypertension), na maaaring sanhi ng iba't ibang mga kondisyon tulad ng cirrhosis.

3. Paninilaw ng Mata: Ang pagkakaroon ng dilaw na mga mata, lalo na ang puting bahagi ng mata na nagiging dilaw, ay isa pang senyales ng jaundice at maaaring magpapahiwatig ng problema sa atay.

4. Pagsusuka o Pagtatae: Ang pagsusuka, pagtatae, o panghihina sa tiyan ay maaaring maging senyales ng hepatitis o pamamaga ng atay, lalo na kapag ito ay nagpapatuloy nang ilang araw.

5. Paninikip o Pananakit ng Tiyan: Ang pananakit o paninikip ng tiyan, lalo na sa kanang bahagi, ay maaaring magpapahiwatig ng problema sa atay. Maaaring ito ay sanhi ng pamamaga ng atay (hepatomegaly), pamamaga ng apdo (cholecystitis), o iba pang mga isyu sa tiyan.

6. Pagduduwal ng Dugo: Ang pagduduwal ng dugo o pagkakaroon ng dugo sa dumi ng tao (melena) ay maaaring maging senyales ng pamamaga sa loob ng atay (cirrhosis) o iba pang mga problema sa atay.

7. Pagbabago sa Timbang: Ang biglang pagbaba ng timbang na walang dahilan o hindi maipaliwanag na pagtaas ng timbang ay maaaring maging senyales ng problema sa atay, lalo na kung may kasamang ibang mga sintomas.

8. Pagtaas ng Lagnat: Ang patuloy na pagtaas ng lagnat na hindi nauugnay sa iba pang mga sakit ay maaaring maging senyales ng impeksyon sa atay o iba pang mga kondisyon.

9. Paninilaw ng Balat at Mata (jaundice): Isa sa mga pangunahing sintomas ng pagkakaroon ng problema sa atay ay ang jaundice o ang paninilaw ng kutis at puti ng mata. Ang paninilaw na ito ay dulot ng pagtaas ng lebel ng bilirubin sa dugo na kadalasang nagmumula sa atay na dumadanas ng sakit.

10. Pananakit ng Tiyan: Makararamdam din ng pananakit sa tiyan kung sakaling magkaroong ng karamdaman sa atay. Ang mga posibleng dahilan nito ay ang pagkakaroon ng pamamaga sa atay, pagtubo ng mga cyst o bukol, o kaya pagkasira mismo ng laman ng atay.

11. Paglaki ng Tiyan: Ang paglaki ng tiyan ay dulot ng namamagang atay dahil sa karamdaman. Ang paglaki sa tiyan ay matigas at nakaumbok na parang bukol.

12. Pamamanas ng mga Paa at Binti: Ang pamamanas sa mga binti at paa ay dulot ng naiipong likido sa labas ng mga cell dahil sa kondisyon ng fibrosis sa atay. Ito ay karaniwang kaganapan sa pagkakaroon ng kondisyon atay.

13. Pag-ihi na Kulay Tsaa: Isa rin sa mga pangunahing senyales ng pagkakaroon ng problema sa atay ay ang pagkakaroon ng ihi na kulay tsaa. Ang ganitong sitwasyon ay nangangailangan ng agarang etensyong medikal.

14. Maputlang Pagdumi o may Kasamang Dugo: Bukod sa pagkukulay tsaa ng ihi, ang dumi ng taong may karamdaman sa atay ay maaring magkaroon ng maputlang kulay at minsan pa, may kasamang dugo. Nangangailangan din ng agarang atensyong medikal ang ganitong kondisyon

15. Pagkahilo at Pagsusuka: Dahil sa pagkasira ng atay, maaapektohan din ang kakayanan nito na maglabas ng mga likido na tumutulong sa pagtunaw ng pagkain partikular ang mga taba. At kaugnay ng hindi pagtunaw sa mga taba, maaring mapadalas ang pakiramdam ng pagsusuka at pagliliyo.

16. Kawalan ng Gana sa Pagkain: Dahil pa rin sa pagpalya ng atay na makatulong sa pagtunaw ng mga kinakain, maaaring mawalan ng gana sa pagkain ang taong mayroong dinaramdam na sakit sa atay.

17. Madaling Pagpapasa sa Balat: Ang pagkakaroon ng mga pasa sa balat ay dulot din ng fibrosis sa atay na karaniwang nararanasan sa pagkakaroon ng karamdaman dito.

18. Madaling Pagkapagod: Ang mabilis na pagkapagod ay maaaring senyales din ng pagkakaroon ng kondisyon sa atay. Ang maaaring dahilan nito ay ang paghina ng atay at pagpalya nito sa pagaalis ng mga nakalalasong substansya sa dugo. Ang presensya ng mga ‘di kanais-nais na substansya ang siyang nagdudulot ng mabilis na pagkapagod.

🌿 Panatilihin malinis at malusog ang ating katawan. 
Umiwas sa sobrang paginom ng alak, at sa mga pagkain mamantika. 

🌿 Kumain ng gulay at prutas na makakatulong sa pagpapalusog ng ating atay. Samahan na din ng pag inom na regular ng DXN Food Supplements para sa kabuuang kalusugan. Meron itong 400+ Active Nutrients with Vitamins and Minerals na mainam para sa Atay.


Prevention is better than Cure. Treat your liver  before its too late.

No comments:

Post a Comment