Saturday, September 16, 2023

Serpentina - Andro-G


Andro-G: may kakayahang mag protekta ng iyong atay at digestive system...

Kadalasang ginagamit panlunas sa ubo, sipon at lagnat 😷😷😷 ang Andrographis paniculata (Andro-G) ay pinaniniwalaang may liver protective properties.

Ang halamang ito ay tinaguriang kasing bisa ng silymarin
  •  isang unique flavonoid complex na hango sa milk thistle plant
  • sa paglunas o pagpigil sa mga sakit sa atay. May mga tanyag na grupo ng mga American doctors ng 20th century ang gumamit nito laban sa mga liver problems, at bilang panlunas sa mga kidney disorders, varicose veins, at menstrual problems.
Ang Andrographis paniculata (Andro-G) ay malawakang itinatanim sa Southern and Southeastern Asia kung saan tradisyunal itong ginagamit na panlunas sa mga infections at iba pang mga sakit.

Ang mapait na halamang ito ay kilala sa north-eastern

India bilang Ayurveda herb. Ang Ayurveda ay salitang Sanskrit na nangangahulugang “kaalaman sa buhay.”

Ang Ayurveda medicine ay system of medicine na nag-ugat sa India. Ang Ayurveda practices ay inilalakip sa kasanayang may hangaring pagkamit ng pangkabuuang kalusugan at maging sa pagtamo ng medical purpose.

Dahil sa taglay nitong kakayahang magpalakas ng immune system, ang Andrographis paniculata ay pinaniniwalaang may kakayahang sumupil sa mga karamdamang tulad ng:

🍄 ubo,

🍄pamamaga ng tonsil,

🍄hindi normal ang pagdumi

🍄sakit ng tiyan,

🍄bulate,

🍄sakit sa atay,

🍄sore throat,

🍄bronchitis,

🍄allergies,

🍄kidney problems,

🍄infections,

🍄at malaria.

Paano ba gumagana ang Andro-G?

Ang Andro-G ay maaring magpalakas ng immune system. Ang mapait na herb na ito ay nag-uudyok ng pagbuo ng protein sa atay, na mag resulta sa pagsaayos ng mga damaged cells.

Nagpapasigla ito ng mga cells na maglikha ng healthy cellular communication (signal transduction), proseso na pinaniniwalaang pumipigil sa pag develop ng sakit na cancer at mga viral infections.

Nagtataglay ng antioxidant, ang Andro-G ay tumutulong magtanggal ng mga toxins sa katawan. Ang Andrographis paniculata ay pumupuksa ng mga free radicals na sumisira sa mga cells.

Ang Andro-G ay nagtataglay ng mahahalagang mga sangkap na ito:

📌Potassium — isang napakahalagang mineral para ka mabuhay.

Ang potassium ay pumuprotekta sa iyong blood vessels laban sa oxidative damage at pumipigil na h’wag kumapal ang iyong mga vessel walls. Kailangan ito para tiyakin na ang iyong heart, kidneys, at iba pang organs ay normal na gumagana.

Ang kababaan sa potassium ay maaring mag resulta sa heart disease, high blood pressure, stroke, arthritis, cancer, digestive disorders, and infertility.

📌Calcium — mineral na kailangan ng iyong katawan upang mapanatiling malakas ang iyong mga buto.

Kailangan ito para mapalusog ang iyong puso, maging maayos ang iyong muscle functions, blood pressure, nerve transmission, intracellular signaling at paglikha ng mahalagang hormones sa katawan.

Ang calcium ay mabisa rin laban sa sobrang pagtaba; hypertension; cancers of the colon, rectum, and prostate; and kidney stones.

📌Vitamin B3 (niacin) — tumutulong sa iyong katawan upang i-convert ang iyong mga kanakain sa energy at magamit ang fats and protein.

Tumutulong upang ang iyong nervous system ay gumana ng maayos, ang niacin ay nagpapalusog din ng iyong atay, balat, buhok, at mga mata. Bukod sa pag regulate ng iyong cholesterol levels at pagpapa- improve ng iyong circulation, ang water soluble vitamin na ito ay tumutulong din sa iyong katawan upang makabuo ng mga sex and stress-related hormones.

📌Vitamin C — kailangan ito for normal growth and repair of tissues sa buong parte ng iyong katawan. Tumutulong din sa pagpuksa ng mga free radicals.

📌Iron — mahalagang sangkap ito na nagta-transfer ng oxygen galing sa iyong lungs tungo sa mga tissues ng iyong katawan. Nagdi- deliver din ito ng oxygen sa mga muscles at sumusuporta sa metabolism.


⤵️
Share This To People You Love and Care About ...

No comments:

Post a Comment