Diploma o 💡 Diskarte: Alin ang Iyong Pinakamabisang Laban?
Sa larong buhay, ang edukasyon at diskarte ay parehong mahalagang baraha.
🃏 Habang ang diploma ay nagbubukas ng mga pinto sa pamamagitan ng pormal na kwalipikasyon, ang "diskarte" naman ay naglalayong magbigay solusyon sa pamamagitan ng katalinuhan at kakayahan.
🌟 Sa pagtatagpo ng kaalaman at katalinuhan, naroon ang tagumpay.
💼 Ano ang landas na pipiliin mo upang malampasan ang iyong mga hamon? Alamin natin ito ng sama-sama!
Kabayan, hindi ka pwedeng umasa lang sa DIPLOMA.
Ano ba ang diploma? Ang DIPLOMA ay isa lamang na kapirasong papel na pinaganda, ginawan ng disenyo at nilagdaan ito ng mga kinauukulan at ito ang batayan at nagsasabi na nakapasa ka sa lahat ng examinations mo sa'yong iskwelahan.
Pero hindi ibig sabihin na kapag meron ka diploma ay magiging successful ka na.
Alam mo ba na halos karamihan ay merong diploma pero hindi nagamit yung inaral nila.
Hindi ibig sabihin pag may diploma ka, masaya ka na.
Maraming may diploma pero iba ang trabaho.
Maraming may mga diploma pero hindi parin sila umasenso at hindi sila masayan sa buhay nila.
Kasi yung pinag aralan nila ay hindi akma sa trabaho nila ngayon at hindi naman talaga iyon ang passion nila.
Hindi ka din pwedeng umasa sa DISKARTE lamang…
Ang Diskarte kasi ibig sabihin ay ang pagiging maparaan. (Resourcefulness)
Kailangan mo lang ng matinik na DISKARTE kapag may problema ka na kailangan i-solved. Hindi mo kailangan ng diskarte araw-araw.
Diploma o Diskarte? Alma mo ba na ang pinaka importate at pinaka kailangan natin ay Dedikasyon!
Kasi kapag may dedikasyon ka sa ginagawa mo, panigurado magbubunga yung ginagawa mo, kahit ano pa yan…. Trabaho o negosyo!
Kapag binuhos mo ang ang 'yong oras, effort at buhay mo sa isang bagay na gustong gusto mo at ginagawa mo, imposibleng hindi ka maging successful.
Lahat ng tao na may na achieve na malaki sa buhay, lahat sila dedicated.
Meron silang pambehirang dedikasyon sa buhay at sa ginagawa nila. At pinaka importante sa lahat, magiging masaya ka at kontento ka!
Ibuhos mo lang naman ang buhay mo or ibigay mo ang didikasyon mo sa something na mahalaga at magpapasaya sayo.
Diploma o Diskarte? Hindi mo kailangan mamili.
Pwede meron ka ng isa dyan, pwedeng parehas meron ka, pwede din parehas wala ka nyan.
Pero ang hindi pwedeng mawala, at ang kailangan nating lahat ay DEDIKASYON. Dahil sa totoo lang ay maraming tao ngayon ang wala nyan.
Ikaw, ano yong pananaw o openyon mo, DIMPLOMA o DISKARTE?
#DiplomaVsDiskarte #BuksanAngIyongPotensyal #EdukasyonAtKatalinuhan
No comments:
Post a Comment