Friday, March 1, 2024

Masamang Epekto Ng Kulang Sa Tulog


Kulang Sa Tulog May Masamang Epikto Sa Kalausugan:

Alam nating lahat na ang kakulangan o kawalan ng sapat na tulog ay may negatibong epekto sa ating kalusugan. Kapansin-pansin ang pagiging matamlay, kakulangan ng lakas, at maging kawalan gana sa pagkilos kapag kulang ang tulog.

Ngunit bukod sa mga ito, mayroon pang ibang mas seryosong epekto ang kulang sa tulog.Kapag ang isang tao ay hindi nakakamtan ang kumpletong tulog na 8 hanggang 10 oras sa bawat gabi, maaaring maranasan niya ang ilang mga epekto gaya ng sumusunod:

1. Kabawasan sa pagiging alerto at maayos na pag-iisip.

Dahil sa kakulangan ng tulog, nababawasan ang bilis at pagiging alerto ng pag-iisip. Apektado nito ang husay sa pagdedesisyon at bilis ng reaksyon sa mga bagay-bagay o kaganapan sa kanyang paligid. Halimbawa na lamang, kung may sunog, maaaring hindi siya agad makapag-isip kung ano ang dapat gawin sa oras ng pangangailangan.

2. Mas mataas na panganib sa pagkakaroon ng mga seryosong sakit.

Mas mahina ang immune system ng taong walang sapat na tulog. Kaya naman mas mataas din ang posibilidad na mahawa siya ng sakit. Bukod pa rito, maaari din siyang magkaroon ng karamdaman sa puso, malubhang diabetes, at iba pang mga seryosong karamdaman

3. Mas mababang sigla sa pakikipagtalik.

Ayon sa mga pag-aaral ng mga eksperto, mas mababa ang gana sa pakikipagtalik ng mga taong walang sapat na tulog. Dahil sa kulang na lakas at enerhiya, bumababa ang sigla at interes ng tao sa pakikipagtalik. Mas mababa din ang libog o libido na mararamdaman dahil pa rin sa kakulangan ng tulog.

4. Depresyon

Ang mga taong kulang sa tulog ay may mataas din na posibilidad na dumanas ng depresyon. Alalahanin na ang depresyon ay konektado rin sa pagkakaroon ng iba pang mas seryosong karamdaman at paghina ng resistensya ng katawan.

5. Mas mabilis na pagtanda ng pisikal na anyo.

Isa pang masamang epekto sa kalusugan ng kakulangan ng tulog ay ang mas mabilis na pagtanda ng pisikal na anyo ng isang indibidwal. Mas mabilis tumanda at mangulubot ng balat, at kitang-kita rin ang pangungutimtim ng paligid ng mata. Mas mabagal din ang pagsasaayos ng mga nasirang cells sa katawan kung kaya’t mabilis na tumatanda ang anyo.

6. Pagpurol ng memorya.

Mas madaling maging makakalimutin at pumurol ang memorya sa mga taong walang sapat na tulog. Ang mga cell sa utak ay nagiging mabagal at maaaring masira pa kung mapagkakaitan ng kumpletong tulog.

7. Mas mataas na panganib na masangkot sa aksidente.

Ang mga taong walang sapat na tulog ay may mataas din na tsansa na masangkot sa isang malagim na aksidente. Halimbawa na lang sa pagmamaneho ng sasakyan, kung kulang ang tulog, malaki ang posibilidad na maaaring mawala sa pokus sa pagmamaneho at mabangga ang minamanehong sasakyan, o makabangga ng kung sinumang tumatawid.

Napakalaking tulong ang pag inum ng DXN Food Supplement para maisaayos ang iyong pagtulog at maiwasan ang ano mang sakit.


Want to BUY In Discounted & Cheaper Price? If YES!


No comments:

Post a Comment